Sprite, NBA Cares sinuportahan ang Special Olympics athletes
MANILA, Philippines - Ang pagtulong uli ng Sprite para sa NBA Cares na ginawa noong Oktubre 9 ay isang pamamaraan ng kumpanya para makahimok pa ng mga tao para pumasok sa sports.
“We continue to share our message of inclusion and acceptance with special athletes as part of our global promise to the Special Olympics,†wika ni Atty. Adel Tamano, Vice President for Public Affairs and Communications ng Coca-Cola Philippines.
Umabot sa 60 mga batang Special Olympics athletes ang nakaranas ng once-in-a-lifetime na karanasan para mapaunlad ang kaalaman nang ang Indiana Pacers team ang nagturo sa lumahok.
Matatandaan na ang Pacers ay bumisita sa bansa kasama ang Houston Rockets para isagawa ang kauna-unahang Pre-season game ng NBA bilang bahagi ng 2013 NBA Global Games.
Ang mga NBA LeÂgends na sina Ron Harper at Jalen Rose ay dumalo rin at tumulong sa proyekto.
Ang Coca-Cola Company na siyang gumagawa ng Sprite, ay founding partner ng Special Olympics International mula pa noong1968.
Ang Special Olympics International ay isa ngayon sa pinakamalaking progÂrama sa sports training at competition para sa mga differently abled athletes.
Nagbigay ng mensahe si Christian Doroin, ang National Sports Director ng Special Olympics Philippines, habang nagpama-hagi ang Sprite ng souvenirs sa lahat ng special athletes na dumalo.
- Latest