^

PSN Palaro

P600K nakataya sa PH Int’l kegfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May kabuuang P600,000.00 ang premyong pag­lalabanan sa 42nd Philippine International Open Tenpin Bowling Championships na magsisimula ngayong ika-10 ng umaga sa Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

Tampok na premyo ang inilagay sa men’s at ladies Open Masters champions na tatanggap ng P150,000.00 at P60,000.00 ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang premyo sa ibang dibisyon na paglalabanan ay P80,000.00 at P40,000.00 sa Graded Masters champions; P50,000.00 at P30,000.00 sa Associate Masters champions; P40,000.00 at P25,000.00 sa Senior Masters champions at P25,000.00 at P20,000.00 sa Youth Masters champions.

Magkakaroon din ng Toti Lopa Memorial Cup at ang mananalo ay may P30,000.00 premyo habang P50,000.00 ang premyong inilaan para sa mga manla­larong makakapagtala ng perfect game.

Kung maraming bowlers ang makakagawa nito, paghahatian nila ang inilaang premyo sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Bowling  Congress at may basbas ng Asian Bowling Federation.

Si Cainta Mayor Kit Nieto at PSC Commissioner Iggy Clavecilla ang siyang inimbitahan para maging guests of honor sa opening ceremony sa 15-araw na event.

ASIAN BOWLING FEDERATION

ASSOCIATE MASTERS

COMMISSIONER IGGY CLAVECILLA

GRADED MASTERS

LUCIA MALL

OPEN MASTERS

PHILIPPINE BOWLING

PHILIPPINE INTERNATIONAL OPEN TENPIN BOWLING CHAMPIONSHIPS

SENIOR MASTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with