Imbestigasyon kay Koga ‘di makakaapekto sa Lions
MANILA, Philippines - Nagsagawa ng team building kamakailan ang three-time defending chamÂpion San Beda bilang paghahanda sa Final Four ng 89th NCAA men’s basketball.
Ang mga websites din ng San Beda ay nagsasaad na ang Lions ang numÂber one team matapos ang elimination round at siyang makakatapat ng number four Perpetual Help.
Ang mga aksyon na ito ng Lions at ng kanilang supporters ay patunay na hindi nila iniintindi ang alegasyon na si Ryusei Koga ay naglaro sa isang liga habang idinadaos ang NCAA.
“Wala sa amin ang issue at normal ang lahat sa amin. We’re preparing for the Final Four, we’re preparing against Perpetual,†wika ni San Beda team manager Jude Roque.
Nagsasagawa ng imÂbesÂtigasyon ang pamunuan ng liga sa alegasyon na nagÂlaro sa isang inter-barangay league si Koga noong Setyembre 17. May video na nasa kamay ng Management Committee at bumuo na ang NCAA ng komite na mag-iimbestiga sa kaso sa pangunguna ni Mancom Chairman Dax Castellano ng host St. Benilde.
Ginawa ng Mancom ang pagkilos kahit walang maihayag kung may formal complaint na ang naihain laban sa Lions.
Sakaling mapatunayan na ginawa ito ni Koga, masususpindi ang manlalaro ng tatlong laro habang baÂbawiin ang mga panalo ng Lions mula nang ginawa ng player ang infraction.
May nangungunang 15-3 baraha ang Lions pero babawiin ang apat na panalo na naitala mula SetÂyembre 17 para malagay sa 11-7 baraha at okupaÂhan ang ikaapat na puwesto.
Kung mangyari ito, ang Lions ang siyang makakaÂtapat ng Letran (14-4) na magiging number one at magtataglay ng twice-to-beat advantage.
- Latest