Yalin Women’s World 10-ball championship Amit tinumbok ang Chinese cue artist
MANILA, Philippines - Tinalo ni Rubilen Amit ng Pilipinas si Bi Zhu Qing ng China, 6-4, para simulan sa pamamagitan ng panalo ang laban sa round robin stage ng 2013 Yalin Women’s World 10-Ball Championship sa Resorts World Manila.
Si Amit na dating World Champion tulad ni Qing ay umarangkada agad sa unang dalawang racks at kahit nakabawi ang Chinese player ay hindi nasira ang loob ng Filipina pool player para makuha ang unang panalo sa Group 7.
May 48 manlalaro mula sa iba’t ibang bansa ang kasali at sila ay hinati sa walong grupo para madeÂtermina ang tig-apat na manlalaro na aabante sa 32-woman knockout stage.
Nakitaan din ng galing si Allison Fisher ng England nang kunin ang 6-2 panalo kay Yu Ram Cha ng Korea sa isa pang laro sa Group 3.
Hindi lang si Amit na imÂbitado sa torneo, ang magdadala ng laban para sa host country dahil nasa torneo rin ang mga batang sina 14-anyos Cheska Centeno at 16-anyos Gillian Go at Iris Ranola na pawang lumusot sa qualifiers.
Si Centeno ay lalaro sa Group Five, si Go ay kasali sa Group Six habang si Ranola ay kasama si Amit sa Group Seven.
Nangunguna sa mga dayuhan si Ga Young Kim ng Korea na siyang nagdeÂdepensang kampeon.
- Latest