Perlas giba sa Indonesia
MANILA, Philippines - Nauwi sa bangungot ang inakalang magandang kampanya ng National women’s basketball team nang dumapa sa Indonesia, 60-54, sa pagtatapos ng preliminary round ng 2013 FIBA Asia Championship for Women kahapon sa Bangkok Youth Center, Bangkok, Thailand.
Tulad sa naisukong laro sa Malaysia kamakalawa, bumigay uli ang Perlas sa ikatlong yugto nang magkaroon lamang ng walong puntos.
Dahil sa mahinang opensa ay umarangkada ang Indonesian team sa 49-33 bago nakontento sa 51-41 kalamangan papasok sa huling yugto.
Naghabol uli ang tropa ni coach Haydee Ong at ang tres ni Melissa Jacob ay nagdikit sa tatlong puntos sa Nationals, 52-55, sa huling 45 segundo.
Ang husay sa free throw shooting ang sinandalan ng Indonesia para manalo kahit may siyam na puntos lamang silang nagawa sa huÂling 10 minuto ng labanan.
Magkatabla ang Pilipinas at Indonesia sa 3-2 baraha at masakit ang nangyari sa Nationals dahil nabigo sila na umabante sa qualifying round para umabante sa Level I sa susunod na edisyon.
Ang Thailand ay kalaban ang Hong Kong at kahit matalo pa ito at magkaroon ng 3-way tie sa 3-2 karta ay hindi parin aabante ang Perlas.
Hindi inakala na sa gaÂnito magtatapos ang kampanya ng koponan matapos umarangkada ng tatlong sunod na panalo tampok ang 60-56 tagumpay sa host Thais.
Ininda ng koponan ang 19-of-68 shooting, kasama ang 4-of-22 sa 3-point line, bukod sa 12-of-25 sa free throw line para mamaalam sa torneo.
Hindi rin kagandahan ang shooting ng Indonesia sa ginawang 18-of-51 field goals, kasama ang 3-of-18 sa 3-point line pero mas solido sila sa charity stripes sa 21-of-27 performance.
Ang off-the-bench sentro na si Yuni Anggraeni ay may 15 puntos habang si Nathasia Debby Christaline at Jacklien Ibo ay may 14 at 12 puntos para sa nanalong koponan.
May 12 puntos si Joan Grajales habang tig-11 ang ginawa nina Merenciana Arayi at Jacobs.
- Latest