^

PSN Palaro

Yalin Women’s World 10-Ball Championship Team Asia vs Team West bukas na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutulong uli ang ABS-CBN para sa pagsasa-ere ng mga laro sa Yalin Women’s World 10-ball Championships na magsisimula bukas sa Resorts World Manila.

Maglalaan ang network ng 16 oras para sa live co-verage sa limang araw na kompetisyon na magtatapos sa Nobyembe 4.

“ABS-CBN is proud to see the Yalin Women’s World 10-ball Championships grow from our first production five years ago to the premiere women’s tournament in billiards,” wika ni Peter Musngi ang dating Managing Director na ngayon ay consultant ng ABS-CBN Sports.

Ang palarong ito ay handog ng Dragon Promotions at kasama si executive producer Charlie Williams sa patuloy na pagtulong ng ABS-CBN.

“We couldn’t  ask for a better TV partner than ABS-CBN. Our two companies have enjoyed a lot of pride as parents of the Women’s World Championships and seeing it continue to grow. We are really pleased to see its interest grow internationally with other networks desiring to air it so that more people around the world can enjoy the event,” wika ni Williams.

Taong 2009 nang sinimulan ang torneo at ang ABS-CBN ay kasama na ng Dragon Promotions na ipinakikita ang husay ng mga professional lady cue-artist na naghahatid din ng atensyon  at karangalan sa Pilipinas bilang isang bansa.

Nasa 20 bansa mapapanood ang kompetisyon gamit ang The Filipino Channel habang ang mga naaabot ng network sa bansa ay nasa 50 million viewers na kumakatawan sa 70% tahanan sa buong bansa.

ABS

CHARLIE WILLIAMS

DRAGON PROMOTIONS

FILIPINO CHANNEL

MANAGING DIRECTOR

PETER MUSNGI

RESORTS WORLD MANILA

WORLD CHAMPIONSHIPS

YALIN WOMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with