^

PSN Palaro

Ross sa Petron na kapalit ni Miranda

RCadayona, NBeltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi sa Globalport natapos ang pagtigil ni Fil-American pointguard Chris Ross.

Kahapon ay inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud ang one-on-one trade sa pagitan ng Batang Pier at Petron Blaze Boos­ters sangkot sina Ross at Denok Miranda.

Dinala ng Globalport si Ross sa Petron, ang  runner-up sa nakaraang 2013 PBA Governors’ Cup, bilang kapalit ni Miranda.

Ito ang pangalawang pagkakataon na naipamigay ang six-footer na si Ross matapos ibigay ng Me­ralco Bolts sa Batang Pier bilang bahagi ng trade kay Gary David.

Hindi nag-ensayo si Ross sa Batang Pier matapos ang trade sa Bolts.

Sa nakaraang 2012-13 season para sa Meralco ay nagtala si Ross ng mga averages na 5.21 points, 4.19 rebounds, 6.60 assists at 1.71 steals.

Sinasabing dadalhin ng Globalport si Miranda sa Barako Bull, may-ari ng No. 4, 5 at 6 picks sa 2013 PBA Rookie Draft, kapalit ni rookie Jeric Teng.

Nawala sa rotation ng Boosters si Miranda dahil sa magandang inilaro ni Chito Lanete, naglista ng mga ave­rages na 5.97 points, 2.18 rebounds at 2.87 assists sa nakaraang season.

Samantala, haharap sa magkakaibang kalaban ang mga titleholders na San Mig Coffee, Talk N’ Text at Alaska Milk sa tatlong magkakaibang lung­sod para sa PBA Season 39 na nakatakda sa Nobyembre 17.

Lalabanan ng G­overnors Cup champ San Mig Coffee ang Barangay Ginebra sa Manila, habang makakatagpo ng Philippine Cup titlist Talk N Text ang Meralco sa Cebu at makakatapat ng Commissioner’s Cup ruler Alaska Milk ang Rain or Shine sa Davao.

Ilan pang innovations at landmark activities ang nakalatag para sa darating na season, kasama dito ang send-off para sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 17th FIBA World Cup sa Spain.

Samatala, matapos ang malamyang kampanya sa nakaraang 2013 PBA Commissioner’s at Governors’ Cup ay nagdesisyon ang Barako Bull na sibakin si ‘active consultant’ Rajko Toroman.

Ito ay bagama’t may kontrata pa ang Serbian coach sa Energy hanggang sa susunod na taon.

ALASKA MILK

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

CHITO LANETE

CHRIS ROSS

GLOBALPORT

MIRANDA

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with