Perlas nakatikim ng talo sa Malaysia
MANILA, Philippines - Nadagukan ang kampanya ng national women’s basketball team sa 2013 FIBA Asia Championship For Women nang matalo sa Malaysia, 60-56, kahapon sa Bangkok Youth Center, Thailand.
Hindi napangalagaan ng Perlas ang 12-puntos na kalamangan sa first period at nasaktan nang nagtala lamang ng limang puntos sa ikatlong yugto para maiwanan sa 47-36.
Angat pa ang Malaysia sa 49-38 nang magtulung-tulong sina Melissa Jacobs, Analyn Almazan, Joan GraÂjales at Merenciana Arayi sa 19-6 run at padikitin ang iskor sa 57-55 sa huling 50 segundo.
Pero si Shin Min Yong ay gumawa ng tatlong puntos na pumagitna sa split ni 15-foot line ni Grajales para manalo ang Malaysia.
Ito ang unang kabiguan ng tropa ni coach Haydee Ong matapos ang apat na laro makaraang talunin ang host Thailand, 65-59, noong Martes ng gabi.
Dahil sa pangyayari, ang Pilipinas at Malaysia ay magkatabla sa unang puwesto sa Level II sa 3-1 baraha habang inaasaÂhang sasalo ang Thailand (2-1) na paborito sa Indonesia na kalaro nila kahapon.
Kapag nagkaroon ng triple-tie, kailangan ng Pilipinas na manalo sa Indonesia bukas upang makuha ang isang puwesto sa LeÂvel II na aabante sa qualifying round sa Nobyembre 2 dahil sa mas magandang quotient.
- Latest