Superliga ilulunsad ang 1st men’s club league
MANILA, Philippines - Ilulunsad ng Philippine Super Liga ang men’s division club tournament matapos ang matagumpay na paglulunsad sa women’s meet na muling matutuÂngÂhayan sa Nobyembre 10 sa The San Juan Arena.
Sinabi ni Ramon ‘Tats’ Suzara, ang PSL president at International Volleyball Federation (FIVB) development commission officer, na ang kanilang hakbang ay para itampok ang mga male players.
Ang PSL, ayon pa kay Suzara, ay sumusuporta din sa ginagawang pagbaÂbago sa Philippine Volleyball Federation (PVF) sa pamamagitan ng pagtutok sa mga high-end tournaments na siyang pagkukunan ng mga miyembro ng National teams.
“Men’s volleyball has been left out in the cold for so long,†wika ni Suzara. “While women’s volleyball has enjoyed tremendous success and following over the past years, our male players do not have a tournament to call their own. It is high time the PSL start following the FIVB programs and truly develop the sport in the country.â€
Nalugmok ang bansa, dating isang volleyball power sa Southeast Asian region, sa nakaraang dalawang dekada.
“The PSL is here to help change our status. We will help all volleyball stakeÂholders in pushing the Philippines back to what it used to enjoy as a SEA GaÂmes power, and then as an Asian contender soon,†ani Suzara.
- Latest