^

PSN Palaro

Balabal nalalagay sa alanganin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalalagay sa alanganin ang pagtapik kay wrestler Jason Balabal bilang Flag bearer ng Pilipinas sa opening ceremonies sa Myanmar SEA Games sa Disyembre 11.

Ang wrestling ay isa sa maagang event na lalaruin bago pa ang pagbubukas ng kompetisyon at itinakda mula Disyembre 9 hanggang  13.

Nagkakaproblema ngay­on dahil ang contact sport ay gagawin sa Natio­nal Indoor Stadium sa Yangon at limang oras ang land travel nito para makarating sa Nay Pyi Taw na siyang main venue ng SEAG at pagdarausan ng opening ceremonies.

“Malayo ang Yangon at  Nay Pyi Taw at ito ang nagiging problema. Ang wrestling ay sisimulan sa Dec. 9 at ang unang dalawang  araw ay para sa Greco Roman. Mag-break at Dec. 11 at kinabukasan ay sisimulan ang Freestyle,” wika ni Chief of Mission at  2nd VP Jeff Tamayo matapos makipagpulong kasama ni POC chairman Tom Carrasco Jr. kay PSC chairman Ricardo Garcia.

Si Balabal na isang gold medalist sa 2011 SEA Games ay kasali sa dalawang events ng wrestling.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) sa pangunguna ng pangulong si Albert Balde, sa wrestling federation ng Myanmar at tinitingnan nila kung maa­aring pakiusapan na sa Dec. 13 na maglaro si Balabal.

“Makikipag-usap si Albert sa Myanmar kung pu­wedeng baguhin ang sche­dule ng laro ni Jason dahil gusto talaga niyang maging flag-bearer at med­yo na-disappoint siya sa pangyayari,” dagdag ni Tamayo matapos maki­pagpulong kasama si POC chairman Tom Carrasco Jr. at Garcia.

Sakaling hindi mare­med­yuhan ang problema, binanggit ni Tamayo si pool wizard Dennis Orcollo na siyang ipapalit bilang Flag bearer.

Naunang binalak ni Tamayo na pagsuutin ng bahag si Balabal para lubusang maipakita ang kultura ng Pilipinas sa seremonya.

Ang Nay Pyi Taw ang main venue ng palaro pero may tatlong satellite venues pa na gagamitin sa event. Bukod sa Yangon, na pagdarausan ng pitong sports disciplines, gagamitin din ang Mandalay at Ngwe Saung para sa football at sailing. (ATAN)

ALBERT BALDE

ANG NAY PYI TAW

BALABAL

MYANMAR

NAY PYI TAW

SHY

TAMAYO

TOM CARRASCO JR.

YANGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with