^

PSN Palaro

LIVE na mapapanood sa Studio 23 Rose, Bulls mapapalaban na sa tropa ni James

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Nakatakdang isabit ng Miami Heat ang ika­lawang sunod nilang cham­pionship banner at ikatlo sa kabuuan kasunod ang pagbubukas para sa kanilang regular season laban sa Chicago Bulls.

“We don’t like them and they don’t like us,’’ ani Le­Bron James sa Bulls.

Naging pisikal ang East semifinal series sa pagitan ng dalawang koponan kung saan nanood lamang si Der­rick Rose sa bench dahil sa knee injury.

“I’m looking forward to it, but I’m going to take it as any other game,’’ wika ni Rose. “I                                                                            t’s the first game. It’s the next game. And we’re just trying to sharpen things up, play the same way but just get our chemistry a little bit better.’’ Inulan ng kritisismo si Rose ng mga Bulls fans nang magdesisyong huwag maglaro noong nakaraang season.

Samantala, live na mapapanood  ang pagbubukas ng 2013-2014 NBA season ngayong alas-8 ng umaga sa  Studio 23.

Simula ng maging ta­hanan ng NBA sa free TV sa bansa ang ABS-CBN, mas marami ng Pinoy basketball fans ang nakakapanood sa mga pinakamahuhusay na basketbolista sa mundo.

Base sa datos ng Kantar Media, tumaas ang bilang ng mga Pilipino na na­no­nood ng NBA sa free TV channels na ABS-CBN at Studio 23 mula 34.7 milyon noong 2012 hanggang sa 65 milyon ngayong 2013. Pumalo  rin sa pinakamataas na national TV rating na 20.87% ang NBA sa bansa noong nakaraang finals.

Ipapalabas din sa Studio 23 ang 30-minute magazine show na “NBA Action” na magbibigay ng weekly highlight sa NBA simula sa Sabado, sa alas-11:30 a.m.

 

BRON JAMES

CHICAGO BULLS

INULAN

IPAPALABAS

KANTAR MEDIA

MIAMI HEAT

NAKATAKDANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with