So lalahok sa Pan-Am chessfest
MANILA, Philippines - Mula sa paghahari sa 17th Unive Tournament sa Hoogeveen, Netherlands ay pipilitin ni Filipino Grandmaster Wesley So na magkampeon sa Pan Americans Team tournament sa Lubbock, Texas.
“I will also be playing in Pan Americans Team Dec 27-30 in Lubbock, Texas,†wika ng 20-anyos na si So sa kanyang Twitter account na @wesleySo93.
Nakuha ni So ang titulo ng Unive Tournament matapos makipag-draw kay top seed English GM Michael Adams sa 21 moves sa final round.
Tinapos ni So, No. 40th player sa buong mundo, ang torneo bitbit ang 4.5 points kasunod sina Adams at Dutch GM Robin Van Kampen na may magkakatulad na 3.0 points.
Maliban sa Pan Americans ay sasali din ang tubong Bacoor, Cavite na si So sa Tata Steel tournament, ayon sa kanyang coach na si GM Susan Polgar.
Sa pagitan ng dalawang torneo ay aasikasuhin din ni So ang kanyang pag-aaral sa Webster University sa Saint Louis, Missouri kung saan siya kumukuha ng kursong Business and Finance.
Ang Webster University ang tinanghal na national champion sa 2013 U.S. College Chess Team Tournament.
- Latest