Sa Mixers ang titulo Pingris finals MVP
MANILA, Philippines - Kasabay ng pag-angkin sa kanilang ika-10 kampeonato, gumuhit rin ng kanyang pangalan si San Mig Coffee head coach Tim Cone sa PBA history.
Kumolekta sina Best Import Marqus Blakely at Finals MVP Marc Pingris ng tig-19 points, habang nagdagdag si PJ Simon ng 16 para tulungan ang Mixers sa 87-77 panalo kontra sa Petron Blaze Boosters sa Game Seven at sikwatin ang 2013 PBA Governors’ Cup sa harap ng 21,319 fans kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Winakasan ng San Mig Coffee ang kanilang best-of-seven titular showdown ng Petron sa 4-3, habang dinuplika ng 55-anyos na si Cone ang 15 PBA chamÂpionship ni legendary coach Baby Dalupan.
“I am totally shocked at how our guys were able to do that. I did very little coaching over the past few games. They didn’t play perfect basketball but they played perfect effort,†ani Cone.
Matapos makadikit ang Boosters sa 65-67 agwat sa pagsisimula ng fourth quarter ay kumayod naman sina Pingris, PJ Simon at Joe Devance para muling ilayo ang Mixers sa 74-65 sa 8:06 ng laro.
Huling nakalapit ang Petron sa 77-80 sa 1:27 ng labanan kasunod ang mga free throws nina Blakely, Pingris at Mark Barroca para sa 85-77 bentahe ng San Mig Coffee sa natitirang 21.3 segundo.
Umiskor ang 6-foot-10 na si Fajardo ng 12 points sa first half para sa Boosters kasunod ang 11 ni Millsap, habang may tig-8 marÂkers naman sina Blakely, Barroca at Pingris sa panig ng Mixers.
Kinuha ng San Mig Coffee ang 41-39 abante sa halftime kung saan sila nagtala ng malamyang 2-of-11 shooting sa three-point range at nabigyan lamang ng 1-of-4 sa free throw line.
Sinimulan ng Mixers ang laro sa likod ng tatlong basket ni Pingris para sa kanilang 6-1 bentahe bago nakatabla ang Boosters sa pagsasara ng first period, 19-19.
Samantala, isa lamang kina seven-footer Greg Slaughter at 6’7 Ian Sangalang ang pipiliin ng Barangay Ginebra bilang No. 1 overall pick para sa darating na 2014 PBA Rookie Draft.
Sa kanyang unang pagÂpapakita sa ensayo ng Gin Kings ay hindi naitago ni Slaughter ang kanyang kasabikang makalaro ang mga dating Ateneo Blue Eagles ring sina LA Tenorio at Japeth Aguilar.
“Dropping by ginebra practice and I couldn’t be anymore excited to get started!,†wika ni Slaughter sa kanyang Twitter account na @GWillSlaughter.
Inamin ni Ginebra head coach Ato Agustin na kailangan nila ng isang seven-footer na makakatuwang sa frontline ng 6’8 na si Aguilar at ng 6’6 na si Billy Mamaril.
We might go for Slaughter. Height kasi ang kailangan namin,†wika ni Agustin. “Pero hindi pa final ‘yun. We’re still evaluating it. Nag-uusap-usap pa kami.â€
San Mig Coffee 87 - Blakely 19, Pingris 19, Simon 16, Devance 11, Barroca 10, Yap 8, Mallari 2, De Ocampo 2.
Petron 77 - Millsap 25, Fajardo 20, Lassiter 11, Cabagnot 8, Santos 7, Lutz 4, Kramer 2, Deutchman 0, Tubid 0.
Quarterscores: 19-19, 41-39, 65-61, 87-77.
- Latest