^

PSN Palaro

Tempra Run Against Dengue mas pinalaki

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang mas mala­king Tempra Run Against Den­gue ang itinakda sa Nob­yembre 17 sa Quezon City Memorial Circle.

Inorganisa ng Subterranean Ideas at itinataguyod ng Tempra, hangad ng nasabing advocacy run na ipakita ang lakas ng pagkakaisa sa pamamagitan ng sports para sa information campaign hinggil sa panganib ng dengue at magdaos ng aktibidad para labanan ang epidemic.

Ang bahagi ng makukuhang pondo sa event na suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Sports Commission, Green Cross, Gemilang 4U International, Business Mirror, Health and Fitness Magazine at National Capital Region Athletic Association, ay gagamitin para sa pagbili ng iba’t ibang anti-dengue modalities, kasama na ang mga garbage bins na ipapamahagi sa mapipiling mga day-care centers at barangays.

Ang apat na kategorya na paglalabanan sa fun run ay ang 10K (P450), 4K (P400), 2K (P300) at Family Run (P250 each runner), ang pinakabagong dibisyon na magtatampok sa magulang na sasabay sa kanyang anak sa 1K.

Ang registration center ay matatagpuan sa Li­wasang Aurora sa QC Memorial Circle hanggang Nobyembre 16.

Ang iba pang registration sites ay ihahayag sa mga susunod na araw o maaaring tumawag sa 504-5990 o text 0916-2246221.

Ang mga runners ay dapat magdala ng walang laman na kahon ng Tempra syrup o drops o 10 na walang lamang blister packs ng Tempra tablets para makasali.

BUSINESS MIRROR

FAMILY RUN

GREEN CROSS

HEALTH AND FITNESS MAGAZINE

MEMORIAL CIRCLE

NATIONAL CAPITAL REGION ATHLETIC ASSOCIATION

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

TEMPRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with