^

PSN Palaro

Pinoy Judokas 7 ginto ang itinumba sa Myanmar

AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pitong judokas ng bansa ang nanalo ng ginto sa isinasagawang Southeast Asia Judo Championship na itinuturing din bilang test event sa Myanmar ka­makailan.

Ang mga nanalo ay sina Bryan Quillotes (-60kgs), Fil-Jap Kiyomi Watanabe (-63kgs), Lloyd Catipon (-66kgs), Gilbert Ramirez (-73 kgs) at Anjo Gumila (-90 kgs) sa kalalakihan at sina Helen Dawa (-48kgs) at Janielou Mosqueda (-57kgs) sa kababaihan.

Sa mga nanalong ito sina Catipon, Ramirez, Da­wa, Watanabe at Mosqueda ay inihahabol pa ng Philippine Judo Federation na pinamumunuan ni David Carter para masama sa Pambansang delegasyon.

Sina Catipon, Ramirez at Mosqueda rin ay ga­ling sa Iran training at masasabing nagbunga ang kanilang pagsasanay sa nakuhang tagumpay.

Sa ngayon ay dalawa lamang ang pinahintulutan ng POC-PSC Task Force SEA Games na makasama sa tutungo sa Myanmar at ito ay sina Nancy Quillotes at Ruth Dugaduga.

Sina Catipon, Ramirez, Dawa at Mosqueda ay mga bronze medalists din ng 2011 pero kailangang sukatin dahil nais ng sports officials na mga palaban sa ginto ang ipadadala.

Bago tumungo ng kompetisyon ay may usapan ang Task Force at ang judo federation president na si Carter na ang mga mananalo ng ginto ay pasa­samahin sa SEA Games.

“Kung masusunod ang agreement, meron na ka­ming nine judokas para sa SEAG na magbibigay ng mas magandang chance to win the gold,” pahayag ni Carter.

Tumapos pa ang bansa ng isang pilak at dalawang bronze medals.

Si Kenji Yahata ang nanalo ng pilak sa men’s -90kgs habang sina Kodo Nakano (-81kgs) at Salvador Reyes (+100kgs) ang nag-uwi ng bronze me­dals.

ANJO GUMILA

BRYAN QUILLOTES

DAVID CARTER

FIL-JAP KIYOMI WATANABE

GILBERT RAMIREZ

MOSQUEDA

RAMIREZ

SINA CATIPON

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with