MANILA, Philippines - Magtutuos uli ang San Beda at Letran at ang mananalo ay ookupa sa solong liderato sa 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Tampok na laro ang naÂsabing sagupaan na magsisimula sa ganap na alas-6 ng gabi at sa orihinal na iskedyul ng liga, ito na dapat ang huling laro sa elimination round.
Ngunit dahil sa mga pagpapaliban dahil sa pagbuhos ng makalas na ulan kaya’t ang elims ay matatapos sa Oktubre 26 pa.
Sa ngayon ang Knights ang nasa itaas ng stanÂdings sa 14-3 karta at kung sila ang manalo, ang koponan na ni coach Caloy Garcia ang ookupa sa unang puwesto at makakalaban ang lalapag sa ikaapat na puwesto.
Ngunit kung ang Red Lions ang nangibabaw, aagawin nila ang unang puwesto pero kailangan pa nilang maipanalo ang nalaÂlabing laban sa Arellano para selyuhan ang puwesto.
Sakaling masilat sila ng Chiefs, magkakaroon pa ng playoff para malaman kung sino ang kukuha sa top seeding.
Idaraos muna sa ganap na ala-1 ng hapon ang laro sa pagitan ng Lyceum at St. Benilde na naudlot noong Oktubre 10.
Natigil sa huling 8:07 ng ikatlong yugto ang labaÂnan dahil sa pagtulo ng bubong dala ng malakas na pag-ulan.
Nanalo ang Knights sa Lions sa unang pagkikita, 74-67, pero gagawa ng adjustment ang tropa ni coach Boyet Fernandez para makabawi.
Ang dalawang kopoÂnang ito ang nagtuos sa Finals noong nakaraang taon at nanalo ang San Beda sa tatlong laro.
Sila Olaide Adeogun, Baser Amer, Rome dela Rosa at Arthur dela Cruz na mga beterano ng nagkampeon noong nakaraang taon ang magdadala sa laro ng Bedans.
Sa kabilang banda, ang PBA-bound na si 6’7 Raymund Almazan ang nangunguna sa Knights bukod pa kina Kevin Racal, Mark Cruz, Jonathan Belorio at Rey Nambatac para magkaroon ng momentum sakaling sila uli ng San Beda ang maglaban sa championship.