^

PSN Palaro

Paalam Sultan Jamalul Kiram III

Abac Cordero - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Pumanaw na kahapon si Sultan Jamalul Kiram III, ang long-time president ng Philippine Pencak Silat Association, sanhi ng multiple organ failure.

Siya ay 75-anyos.

Si Kiram ay dating president at chairman ng pencak silat group sapul noong 1991 at naging council member ng Philippine Olympic Committee mula 1996 hanggang 2000.

Sinabi ng kanyang anak na si Princess Jacel Kiram na nagkaroon ng problema sa atay ang sports official at naratay sa isang ospital noong nakaraang linggo.

Gumawa ng eksena si Kiram nang subukang angkinin ang Sabah.

Nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng grupo ni Kiram at ng Malaysian police.

Bago ang kanyang pagkamatay ay sinasabing tinawagan ni Kiram ang kanyang mga kapatid “to further the aspirations to reclaim Sabah for the Filipino people.”

Si Kiram ang naging ikatlong Filipino sports official na namatay sa nakaraang tatlong buwan.

Namatay si Toti Lopa, ang presidente ng Philippine Bowling Congress, noong Agosto dahil sa heart ailment habang dumadalo sa bowling congress sa Las Vegas. Siya ay 80-anyos.

Tatlong linggo na ang nakalilipas ay pumanaw naman si long-time Philippine Amateur Baseball Association president Hector Navasero sa edad na 78-anyos dahil sa heart ailment. 

 

HECTOR NAVASERO

KIRAM

LAS VEGAS

PHILIPPINE AMATEUR BASEBALL ASSOCIATION

PHILIPPINE BOWLING CONGRESS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE PENCAK SILAT ASSOCIATION

PRINCESS JACEL KIRAM

SABAH

SI KIRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with