Pag-akyat sa PBA ni Romeo maluwag na tinanggap ni Racela
MANILA, Philippines - Maluwag sa dibdib na tinanggap ni FEU coach Nash Racela ang biglang desisyon ng pambatong guard na si Terrence Romeo na sumali sa PBA Draft na gagawin sa Nobyembre 3.
Aminado si Racela na mapipilay ang kanyang koponan dahil hindi na babalik para sa kanyang ikalima at huling taon sa UAAP ang MVP ng Season 76.
Pero hindi niya hahadlangan ang desisyong ito ni Romeo na naghatid ng 22.2 puntos, 6.3 rebounds, 3.9 assists at 1.6 steals sa nagdaang season para maipasok ang Tamaraws sa Final Four.
“We are supporting his decision to join the draft. If he feels this is the best time, then we are with him in this move. We wish the best for him in the pros,†wika ni Racela.
Aasahan naman ng FEU rookie coach na ang maiiwang guards sa paÂngunguna ni Mike Tolomia ay kakapitalisahin ang pagkakataon na maibibigay sa kanya.
Bukod kay Romeo, wala na rin ang dating MVP ng UAAP na si RR Garcia na natapos na ang playing year at sasali rin sa Draft.
“That’s college basketball. He’s a big loss but somebody has to step forward and be ready for the challenge. We will address it collectively,†dagdag ni Racela na naging assistant coach ng Gilas National team at ngayon ay deputy rin ni coach Norman Black sa Talk N’Text.
Naunang nagsabi si Romeo na babalik siya sa 77th season para pangunahan ang paghahabol ng titulo ng Tamaraws.
Sa kanyang pagdadala, winalis ng FEU ang first round. Nanlamig ang laro ng Tamaraws sa second round at kahit umabot sila sa Final Four, nabigo sila sa La Salle para mamaalam sa liga.
Nagdesisyon si Romeo na pumasok na sa PBA dahil kung hindi niya ito gagawin, sa 2015 na siya puwedeng sumali sa Draft.
Ang PBA drafting ay ginagawa dati kapag Agosto na kung saan tumatakbo pa ang mga collegiate leagues.
Pero sa taong ito ay umabot sa Nobyembre ang kaganapan dahil nagpahinga ang laro sa PBA nang isinagawa ang FIBA Asia Men’s Championship sa Mall of Asia Arena noong Agosto 1 hanggang 11.
- Latest
- Trending