MANILA, Philippines - Isang baguhan at beteÂrana ang kuminang sa 6th Anvaya Cove International Triathlon kahapon sa Morong, Bataan.
Si Mervin Rencel Santiago na manlalaro sa badminton sa UP, ang naÂnguna sa kalalakihan nang naisantabi niya ang halos apat na minutong kalamaÂngan ni Mark Douglas Weis habang si Fiona Ottiger ay nagtrabaho nang husto sa bike leg para patalsikin ang dating kampeon sa kababaihan na si Vanessa Aguirre.
Naorasan ang 20-anÂyos graduating student sa sports science ng 2:02:27 at 1.2-km swim, 32-km bike at 12-km run at nakaagwat pa ng mahigit na dalawang minuto kay Weis na may 2:04:36.
Naubos si Weis sa pagtahak sa bulubunduking ruta sa bike na siyang ‘signature route†na karerang sinimulan noong 2008.
Si Ottiger ay may bilis na 2:36:42 at nilayuan niya si Aguirre sa bike para makaposte ng mahigit na anim na minutong pagitan sa 2:43:34 ng dating kampeon.
Pumangatlo sina Romeo Marquez (2:11:13) at Nylah Rizza Bautista (2:55:08) sa elite race na pinagtulungang inorganisa ng Anvaya Cove Beach and Nature Club (ACBNC) at Triathlon Association of the Philippines (TRAP).