^

PSN Palaro

Santiago, Ottiger bumandera sa 6th Anvaya Cove Triathlon

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang baguhan at bete­rana ang kuminang sa 6th Anvaya Cove International Triathlon kahapon sa Morong, Bataan.

Si Mervin Rencel Santiago na manlalaro sa badminton sa UP, ang na­nguna sa kalalakihan nang naisantabi niya ang halos apat na minutong kalama­ngan ni Mark Douglas Weis habang si Fiona Ottiger ay  nagtrabaho nang husto sa bike leg para patalsikin ang dating kampeon sa kababaihan na si Vanessa Aguirre.

Naorasan ang 20-an­yos graduating student sa sports science ng 2:02:27 at 1.2-km swim, 32-km bike at 12-km run at nakaagwat pa ng mahigit na dalawang minuto kay Weis na may 2:04:36.

Naubos si Weis sa pagtahak sa bulubunduking ruta sa bike na siyang ‘signature route” na karerang sinimulan noong 2008.

Si Ottiger ay may bilis na 2:36:42 at nilayuan niya si Aguirre sa bike para makaposte ng mahigit na anim na minutong pagitan sa 2:43:34 ng dating kampeon.

Pumangatlo sina  Romeo Marquez (2:11:13) at Nylah Rizza Bautista (2:55:08) sa elite race na pinagtulungang inorganisa ng Anvaya Cove Beach and Nature Club (ACBNC) at  Triathlon Association of the Philippines (TRAP).

ANVAYA COVE BEACH AND NATURE CLUB

ANVAYA COVE INTERNATIONAL TRIATHLON

FIONA OTTIGER

MARK DOUGLAS WEIS

NYLAH RIZZA BAUTISTA

ROMEO MARQUEZ

SI MERVIN RENCEL SANTIAGO

SI OTTIGER

TRIATHLON ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

VANESSA AGUIRRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with