^

PSN Palaro

Fr. Rendon idineklarang tagumpay ang hosting sa UAAP Season 76

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Idineklara  ni Fr. Maximino Rendon, C.M., pangulo ng Adamson at ng UAAP na tagumpay ang liga matapos ang first semester games.

Ito ay sa kabila ng mga kontrobersyang hinarap sa basketball at swimming dahil sa ipinairal na bagong alituntunin na two-year residency sa mga manlalarong lilipat ng paaralan.

“Season 76 was very successful despite the problems we encountered along the way. This we credit to the enormous support of students, alumni and fans to their respective schools,”  wika ni Rendon.

Tema ng liga sa taon ang “Greatness Never Ends” at tunay na walang katapusan ang husay ng kanilang atleta lalo na sa idinaos na men’s basketball at Cheerdance competition.

Gumawa ng record crowd sa dalawang events na ito  nang umabot sa 20,830 ang nanood sa Cheerdance na pinagwagian sa unang pagkakataon ng National University.

Ang bilang ay tumabon sa 20,686 tao na nanood noong nakaraang taon.

Nagpista nang husto ang liga sa men’s basketball Finals sa pagitan ng La Salle at UST.

Ang Games One  at Two sa Smart Araneta Coliseum ay humakot ng 20,525 at 23,037. Sa deciding Game three, ito ay umabot sa 23,696 sa Mall of Asia Arena na siya ring pinagganapan ng Cheerdance.

ADAMSON

ANG GAMES ONE

CHEERDANCE

GREATNESS NEVER ENDS

LA SALLE

MALL OF ASIA ARENA

MAXIMINO RENDON

NATIONAL UNIVERSITY

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with