^

PSN Palaro

Tagaytay paborito sa Asian inter-cities chess tourney

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang koponan ng Tagaytay ang magiging paborito para sa pagsulong ng Asian Inter-Cities Championships-Dubai Cup ngayon sa Tagaytay International Convention Center.

Pinamumunuan nina Olympian Grandmasters Oliver Barbosa, Mark Paragua, John Paul Gomez at Darwin Laylo, ang Tagaytay 1 ay inaasahang babandera sa nasabing 18-team field kung ang average Elo rating ang pag-uusapan.

Ang Tagaytay 2, binubuo nina veteran GMs Joey Antonio at Eugene Torre at International Masters Ronaldo Nolte at Jan Emmanuel Garcia, ang pumapangalawa kasunod ang Shanghai, China.

Ang fifth players ng Tagaytay 1 at 2 ay papanga-lanan ngayon kasabay ang komposisyon ng Tagaytay 3.

Binabanderahan ni GM Zhou Jianchao, duma- ting ang Team Shanghai kahapon, habang noong Biyernes dumating ang Baghdad, Iraq at Abu Dhabi, UAE.

Magsasali rin ang koponan ng Wuxi, China, pinamumunuan ni GM Wei Yi; ang Ulaanbaatar (Mongolia) ni GM Gundavaa Bayarsaikhan; ang Baghdad (Iraq), Sharjaj (UAE), Shah Alam (Malaysia), Erdenet (Mongolia), Kuwait, Bs Begawan (Brunei), Singapore, Seoul (South Korea), Dubai (UAE), Taipei (Taiwan) at Sri Lanka.

 .

 

ABU DHABI

ANG TAGAYTAY

ASIAN INTER-CITIES CHAMPIONSHIPS-DUBAI CUP

BS BEGAWAN

DARWIN LAYLO

EUGENE TORRE

GUNDAVAA BAYARSAIKHAN

INTERNATIONAL MASTERS RONALDO NOLTE

JAN EMMANUEL GARCIA

TAGAYTAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with