^

PSN Palaro

Servania ipapalasap ang bangis ng kamao kay Concepcion sa Pinoy Pride XXII

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maipaghiganti ang pagkatalo ng kasamahan ang isa pang misyon ni Ge­nesis “Azucal” Servania sa pagharap niya kay Rafael Concepcion sa Pinoy Pride XXII sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.

Ang Panamanian boxer na si Concepcion ang siyang tumapos sa pagpapanalo ni AJ Banal nang nagkrus ang kanilang daan noong Hulyo, 2008.

Sa Cebu City Coliseum ginawa ang laban at nanalo sa pamamagitan ng 10th round knockout si Concepcion para kunin ang interim WBA super-flyweight belt.

May 22-0 baraha, kasama ang 8 KOs, si Servania at galing sa magandang panalo laban kay Konosuke Tomiyama ng Japan na ginawa noong Hulyo sa Macau.

Pero hindi natatakot si Concepcion sa ipinanga­ngalandakang husay ng Filipino boxer na nasa pa­ngangalaga ng ALA Promotions.

“I have fought better boxers than Servania has faces,” wika ni Concepcion.

Bagamat nanalo sa hu­ling laban, binanggit pa ni Concepcion na napatuna­yan na si Servania ay kulang sa lakas sa magka­bilang kamao bagay na kanyang kakapitalisahin upang makuha ang panalo.

May 18-6-1 at 8KOs kar­ta si Concepcion na nakasukatan din ang mga tinitingalang kampeon na sina Fernando Montiel, Nonito Donaire at Jorge Arce.

Hindi man siya nanalo sa tatlong ito, ang mapalaban sa mga ito ay patunay na may tapang at lakas si Concepcion.

Ang mga gustong ma­nood ng labang ito ay maaaring makabili ng ti­c­kets sa SM Cebu Cinema, SM Consolacion Cinema, Robinsons Department Store Costumer Service,  ALA Gym BTC, ALA Gym Mandaue, ALA Gym Minglanilla, ALA Gym Banawa, at Bisaya Ispisyal Ayala.

vuukle comment

ANG PANAMANIAN

BISAYA ISPISYAL AYALA

CEBU CINEMA

CEBU CITY

CONCEPCION

CONSOLACION CINEMA

FERNANDO MONTIEL

SERVANIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with