^

PSN Palaro

Fernandez susuntok sa 2nd round, Galvan sibak na

Pilipino Star Ngayon

ALMATY, Kazakshtan--Pinawi ni bantamweight Mario  Fernandez ang pagiging mas maliit kumpara kay Imran Khan ng Guyana nang naging agresibo sa laban para makuha ang unanimous decision panalo sa isinasagawang AIBA World Boxing Championships sa Baluan Sholak Palace of Sports dito.

Ang mga hurado mula Lithuania, Morocco at Greek ay nagbigay ng 30-27, 30-27, 30-26, panalo sa 20-anyos tubong Valencia, Bukidnon upang masamahan sa second round sina Olympian Mark Anthony Barriga at Roldan Boncales.

Si 2011 SEA Games gold medalist Dennis Galvan ang minalas sa apat na boksi­ngerong ipinadala ng ABAP nang natalo siya kay 10th seed Gaybatulla Gadzhialiyev ng Azerbaijan sa pamamagitan ng puntos.

Samantala, si Boncales ay magbabalik-aksyon sa Biyernes kontra kay Ri Chung Il ng North Korea habang sa Sabado aakyat uli ng ring si Barriga laban sa number 5 seed at London Olympics veteran Yovani Vieira Soto ng Cuba.

May 457 boksingero mula sa 100 bansa ang sumali sa kompetisyon at ang biyahe ng Pambansang boksingero ay suportado ng PLDT at Philippine Sports Commission (PSC).

BALUAN SHOLAK PALACE OF SPORTS

DENNIS GALVAN

GAYBATULLA GADZHIALIYEV

IMRAN KHAN

LONDON OLYMPICS

NORTH KOREA

OLYMPIAN MARK ANTHONY BARRIGA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RI CHUNG IL

ROLDAN BONCALES

WORLD BOXING CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with