Chiefs maghahabol sa Playoff vs Blazers
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
4 p.m. Arellano
vs St. Benilde (Srs.)
6 p.m. Mapua
vs Lyceum (Srs.)
MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng Arellano ang kanilang paghahabol para sa playoff sa seÂmifinals sa pagharap sa host College of St. Benilde sa 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Nagkaroon ng ‘di inaasahang pahinga nang nakansela ang laro noong Lunes na kung saan ay nakalaban dapat ng Chiefs ang San Beda, inaasahang ginamit ito ng koponan paÂra mas pag-ibayuhin ang laro kontra sa Blazers na nasisilayan sa ganap na alas-4 ng hapon.
May 6-9 baraha ang tropa ni coach Koy Banal at kailangan nilang walisin ang huling tatlong laro at ipanalangin na ang San Sebastian at Emilio AguiÂnaldo College ay hindi luÂmagpas ng siyam na paÂnalo.
Sakaling manalo pa ang Chiefs, mahihigitan na rin nila ang naitalang karta noong nakaraang taon na nasa 6-12 baraha.
Sa unang pagtutuos na nangyari noong Agosto 12 ay natalo ang Chiefs sa Blazers sa 62-69 iskor.
Talsik na sa kompetis-yon ang host school sa 5-10 baraha pero hindi ito mangangahulugan na hindi na sila makikipagsabayan dahil hanggad nilang magkaroon ng disenteng pagtatapos sa liga.
Sina Mark Romero, Jonathan Grey at Paolo Taha ang mga magdadala ng laban sa Blazers habang sina John Pinto at Prince Caperal ang mamumuno sa Chiefs.
Ang tampok na laro daÂkong alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng Mapua at Lyceum na isang no-bearing game.
Nais ng Pirates na waÂlisin ang head-to-head nila ng Cardinals matapos ang 74-59 panalo noong Hulyo 11.
Handa naman ang CarÂdinals na bawian ang Pirates lalo pa’t galing sila sa 81-76 paninilat sa Lions noong Oktubre 7.
- Latest