^

PSN Palaro

POC-PSC Batang Pinoy Luzon qualifying unang gold ng Marikina itinakbo ni Sayo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ni long distance runner Jeremie Jewel Sayo ang magandang reputasyon nang kunin ang unang gintong pinaglabanan sa pagbubukas kahapon ng Luzon qualifying ng 2013 Batang Pinoy Games sa Zambales Sports Complex sa Iba, Zambales.

Ang 14-anyos na se­venth grader sa Marikina High School ay naorasan ng 17 minuto at 7.1 segundo upang dominahin sina James Galima ng Candon, Ilocos Sur (17:08.6) at Raymark Quezada ng Baguio City (17:28.8) sa boys 5000-meter run.

Paborito si Sayo na kuminang dahil siya ang Batang Pinoy national champion sa 1,500-run at nanalo rin ng ginto sa 800-meter sa Palarong Pambansa noong nakaraang taon.

“Gusto kong madepensahan ko ang 1,500-m title at maipanalo rin ang 5000-m,” wika ni Sayo na tatakbo pa sa 800-m at 1,500-m ngayon.

Si Mariz Sabado ng Umingan, Pangasinan ay nakasama sa mga nanalo matapos talunin ang kababayang si Kim Xyros Macanas sa 2000-m walk sa 13:11.6 bilis.

Samantala, nagbakbakan ang Manila at Quezon City sa pool events matapos manalo ng tig-dalawan ginto sa unang walong events na pinag­labanan.

Sina Palaro gold medalist Maurice Sacho Ilustre at Milcah Therese Mina ang mga kuminang sa Manila habang sina Akiva Jose Carino at Kirsen Chleo Daos ang nagdala ng laban sa Quezon City.

Ang iba pang nanalo sa pool ay sina Marc Audrey ng Malolos sa boys’ 11-12 400-m free at Dan Christian Leyba ng Baguio sa 11-12 200-m

back.

AKIVA JOSE CARINO

BAGUIO CITY

BATANG PINOY

BATANG PINOY GAMES

DAN CHRISTIAN LEYBA

ILOCOS SUR

JAMES GALIMA

JEREMIE JEWEL SAYO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with