^

PSN Palaro

PABA nagpapasaklolo kay MVP

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magbabakasakali ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na lapitan si businessman/sportman Manny V. Pangilinan para tumulong sa pagbabalik ng sigla sa baseball sa bansa.

Ayon kay PABA secretary-general Tom Navasero, inimbitahan niya si MVP na isama ang baseball sa mga sports na kanyang tinutulungan.

Ang nakababatang Navasero ay kilala ni MVP matapos magkasama sa ilang proyekto sa negosyo at umaasa ang una na mapapaunlakan siya ng nirerespetong lider sa negosyo at sa palakasan.

Dating pangulo ng PABA ang ama ni Pangilinan na si Dominador Pangilinan at isa ito sa sinasandalan ni Navasero para tumulong si MVP.

“We have invited MVP to support and guide the association’s new leaders,” wika ni Navasero.

Walang pangulo ngayon ang PABA matapos mamaalam na ang ilang dekadang lider ng NSA na si Hector Navasero dahil sa karamdaman. Idinagdag pa ng nakababatang Navasero na ang kanilang chairman na si Dr. Emmanuel Angeles ay nakatakdang magpatawag ng pagpupulong para maghalal ng bagong opisyales.

“Chairman Angeles will call for a general meeting and I asked him to invite all baseball stakeholders that believe in improving Philippine baseball,” dagdag pa ni Navasero.

Nauna namang sinabi ni PSC chairman Ricardo Garcia na ayusin na ng PABA ang kanilang samahan para makuha ang pondong nararapat sa kanila.

Hindi nabibigyan ng tulong pinansyal ang PABA dahil hindi kinikilala ng POC ang nangyaring election da­lawang taon na ang na­kalipas.

May baseball event si Garcia na Chairman’s Cup at ito ay lalahukan ng 16 koponan na senyales na marami pa rin ang intere­sado sa pagsuporta sa team sport na ito.

vuukle comment

CHAIRMAN ANGELES

DOMINADOR PANGILINAN

DR. EMMANUEL ANGELES

HECTOR NAVASERO

MANNY V

NAVASERO

PANGILINAN

PHILIPPINE AMATEUR BASEBALL ASSOCIATION

RICARDO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with