Azkals kampeon pa rin
MANILA, Philippines - Ibang lindol ang nangyari sa Panaad Stadium nang yanigin ng Philippine Azkals ang Pakistan 3-1, para mapanatiling suot ang kampeonato sa 2013 PhiÂlippine Peace Cup kagabi sa Bacolod, Negros OcciÂdental.
Isinantabi ng Azkals ang maagang goal na ginaÂwa ni Kaleem Ullah dahil sa defensive error sa 15 minuto ng labanan nang itabla ni Patrick Reichelt ang iskor sa 33 minuto ng first half.
Sa second half ay kinontrol ng Azkals ang laro upang magkaroon ng mas maraming tsansa na umiskor ang home team.
Hindi naman nasayang ito dahil si Chris Greatwich ay umiskor sa rebound play sa 78th minuto at sampung minuto matapos ang goal ay umiskor si Stephan Schrock sa magandang pasa ni Reichelt para bigyan ng dalawang goals kalamangan ang home team.
Nagkaroon naman ng pagkakataon ang Pakistani pero naroroon ang tikas ni goalie Neil Etheridge para mapako na sa isang goal lamang ang kalaban.
Ang two-goals advantage ay sapat na para maibaon ang 1-2 pagkatalo sa Chinese Taipei sa unang laro noong Oktubre 11 at maÂpanatili ang titulo sa Pilipinas. Bago ito ay ginimbal ang Kabisayaan ng maÂlakas na lindol na intensity 7.2 ang tumama sa Bohol at Cebu.
- Latest