Sa preseason game sa Taiwan vs Pacers Lin humataw sa panalo ng Rockets
TAIPEI, Taiwan -- Kagaya ng inaasahnan, naÂging mainit ang pagbabalik ni Houston Rockets point guard Jeremy Lin sa Taiwan.
Tumipa si Lin, ang mga magulang ay nanggaling sa Taiwan at nanirahan sa United States noong 1970s, ng 17 points mula sa kanyang 3-for-4 shooÂting sa 3-point line para tulungan ang Rockets sa 107-98 panalo kontra sa Indiana Pacers sa isang exhibition game sa harap ng 13,686 manonood.
Binanderahan ni James Harden ang Rockets mula sa kanyang 21 marÂkers kasama ang tatlong 3-pointers.
Tumipa naman si Paul George ng 19 points para sa Pacers kasunod ang 17 ni George Hill na ayon kay coach Frank Vogel ay nagkaroon ng “a mild ankle sprain’’ sa third quarter.
Ipinamalas ni Lin sa harap ng kanyang mga kababayan ang matindi niyang mga clutch shooting at pin-point passing para sa panalo ng Houston.
Nagtala ang Houston ng isang 15-point lead sa halftime hanggang makalapit ang Indiana sa isang two-point deficit bago kumulapso sa fourth quarter.
Kumolekta si Houston newcomer Omri Casspi ng 13 points at 9 rebounds.
Sa New York, matapos talunin ang Boston Celtics sa kanilang preseason opener, yumukod naman ang New York Knicks sa Toronto Raptors, 100-91.
Sa kabiguan ng Knicks, naghari sa Atlantic Division noong nakaraang season, humakot si franchise player Carmelo Anthony ng 24 points, 8 rebounds at 3 assists sa loob ng 20 minuto.
Nakatuwang ni Anthony sina Iman Shumpert, Andrea Bargnani at Metta World Peace sa pagkatalo ng New York sa Toronto sa kanilang ikalawang laro sa pre-season.
Pinuwersa ng Knicks ang Raptors sa 23 turnovers at nakakuha ng 12 steals bukod pa sa pagtatala ng 19 assists.
Ang Raptors ay binanderahan nina Rudy Gay, DeMar DeRozan at dating Indiana Pacers bruiser Tyler Hansbrough.
- Latest