^

PSN Palaro

Jeron gustong ibigay kay Jeric ang Finals MVP trophy

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung pupuwede lang, handang ibigay ni Jeron Teng ang napanalunang UAAP Finals MVP sa naka­tatandang kapatid na si Jeric Teng.

Si Jeron ang kamador ng La Salle na umukit  ng 71-69 overtime panalo sa UST na pinamumuan ni Jeric, sa do-or-die Game Three noong Sabado.

Nasa ikalima at hu­ling taon ng paglalaro ang naka­tatandang Teng sa collegiate basketball at na­bigo siya sa pinangarap na makatikim ng titulo sa liga.

Ito ang ikalawang su­nod na taon na ang 22-an­yos na si Teng ay nasa Finals pero natalo rin ang Tigers sa Ateneo noong nakaraang taon.

“Ang hirap. I feel his loss. My brother really gave his all out and for me he deserves the MVP,” pag­pupugay ni Jeron sa kapatid.

Matapos ang laro ay nag-akapan ang magka­patid sa gitna ng court at itinaas ni Jeron ang kamay ni Jeric na ikinatuwa ng lahat ng mga sumaksi sa laban sa MOA Arena.

“I just told him that he has nothing to worry because he is a good player and I just wish him luck,” dagdag ng nakababatang Teng sa sinabi sa kapatid.

Tanggap naman ng pa­nganay na anak ng dating PBA  player na si Alvin Teng ang kapalaran sa UAAP.

“I really wanted to gra­duate with a crown. Pero siguro hindi talaga para sa akin,” wika ni Jeric, ang Rookie of the Year noong Season 72 at nagkaroon ng 13.2 points, 4.4 rebounds at 1.7 assists career averages sa UAAP.

Sa kanyang official twit­ter ay pinasalamatan ni Teng ang Thomasians sa suporta na ibinigay sa kanya at ang pagpupugay sa magandang inilaro ni Jeron sa Finals.

“Sorry we failed to get the championship. Thank you to all thomasians! It’s been a wonderful  5 years. I will miss all of you Congrats to DLSU! They played real­ly well. And congrats @jeronteng for getting the finals mvp. You deserve it!,” pahayag ni Teng.

ALVIN TENG

GAME THREE

JERIC

JERIC TENG

JERON

JERON TENG

LA SALLE

SHY

TENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with