^

PSN Palaro

Top seed asam ng Letran vs Baste

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena,

San Juan City)

4 p.m.  Jose Rizal U

 vs Lyceum (Srs.)

6 p.m. San Sebastian

vs Letran (Srs.)

 

 

MANILA, Philippines - Palalakasin  pa ng mainit na Letran ang paghahabol para sa number one see­ding sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Hawak ang 13-3 bara­ha at kasalo sa unang pu­westo ang three-time defending champion San Beda, kalaban ngayon ng Knights ang San Sebastian upang lumapit sa isang panalo para makuha ang top spot matapos ang elimination round.

Parehong may twice-to-beat advantage na ang Knights at Red Lions ngunit mahalaga pa rin ang makuha ang unang puwesto para siyang makatapat ng papang-apat na ko­ponan sa Final Four.

Galing ang tropa ni coach Caloy Garcia sa 74-61 panalo sa Perpetual Help noong Huwebes para sa ikatlong dikit na panalo.

Nangibabaw din ang Letran sa Stags sa unang pagkikita,  74-69, at kaila­ngan nilang manalo para mapanatili ang winning streak bago sukatin uli ang Red Lions sa Oktubre 21.

Asahan naman na kon­disyon ang mga kamador ni coach Topex Robinson dahil ang pagkuha sa ika-10 panalo ang magtitiyak ng playoff para sa ikaapat at huling puwesto sa Final Four.

Ang Emilio Aguinaldo College lamang ang kopo­nang kaya pang tumapos hanggang 10 panalo.

Ang larong ito ay siyang tampok na laro na magsisimula matapos ang banggaan ng Heavy Bombers at talsik ng Lyceum sa ganap na alas-4 ng hapon.

May 6-9 baraha ang tropa ni coach Vergel Me­neses at kasalo sa ikaanim at pitong puwesto ang Arellano.

ANG EMILIO AGUINALDO COLLEGE

CALOY GARCIA

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

LETRAN

RED LIONS

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with