Jarencio tanggap ang magiging kapalaran sa UST
MANILA, Philippines - Manalo o matalo ay taÂtanggapin ni coach Alfredo Jarencio ang anumang deÂsisyon sa kung magpapatuloy ba siya o hindi bilang mentor ng UST.
Taun-taon ay nire-renew ang kontrata ni Jarencio sa paaralan pero hindi pa batid kung mananatili ba siya o hindi matapos aminin na marami ang nagduda sa kanyang pagdiskarte noong nakumpleto ng Tigers ang 2-0 sweep sa NU sa Final Four.
“Ako lagi naman ako muntik-muntikan na, kahit umabot ka sa championÂship. Alam mo naman sa trabaho natin, marami ang nag-aabang diyan at tutuÂhugin ka na lang,†wika ni Jarencio.
Sa halip na isipin ang bagay na ito ay mas maÂgandang ituon na lamang ang focus sa magaganap na Game Three bukas sa pagitan ng UST at La Salle.
“Vindicated naman na ako. Kung ‘di na nila ako gusto, walang problema sa akin, lagi naman ako open,†dagdag ni Jarencio.
Ang mananalo sa laro bukas sa Mall of Asia sa Pasay City ang siyang kikiÂlalaning kampeon sa 76th UAAP men’s basketball.
Kung sakaling palarin ang UST, ito ang kanilang unang titulo matapos ang 2006 season na kung saan si Jarencio ay isang rookie coach.
Lalabas din ang Tigers bilang kauna-unahang number four seed na nagkampeon sapul nang ipairal sa liga ang Final Four.
Ang bagay na ito ay maÂgiging memorable ‘di lamang paaralan kundi pati sa liga lalo na kung saÂkaling hindi na pabalikin si Jarencio sa Season 70.
- Latest