UST Tigers makakapaghanda nang husto laban sa Green Archers sa Game Three
MANILA, Philippines - Malaki ang magagawa sa University of Sto. Tomas ng isang linggong pahinga baÂgo gawin ang Game Three sa 76th UAAP men’s basÂketball finals.
Tabla ang iskor sa best-of-three series sa 1-1 matapos makabawi ang De La Salle University, 77-70, sa Game Two noong nakaraang Sabado.
Ang deciding game ay naÂunang itinakda ngayong araw pero ipinagpaliban sa Sabado dahil sa gagamitin ang Mall of Asia Arena sa Pasay City sa kauna-unaÂhang NBA pre-season game bukas.
“Malaking bagay ito paÂra sa amin kasi tatlong knockout game ang nilaro naÂmin. Tapos hard earned win din ang nangyari sa first game ng championship. MedÂyo pagod na pagod din ang mga bata kaya welÂcome ito,†wika ni UST head coach Alfredo JaÂrencio kaÂhapon sa PSA foÂrum na ginawa sa PSC Athlete’s Lounge.
Dumating din si La Salle mentor Juno Sauler at isiÂnantabi naman ang palagay na may momentum siÂlang tangan matapos maÂnalo sa huling laban.
“We don’t have any moÂmentum for this game. We just have to make sure that we execute properly. To me, the most important part is how we approach these coming days. That’s more important and how we come out and play on SaÂturday,†wika ni Sauler.
Dahil isa’t-isa ang laban, nagkaisa ang dalawang coaches na mahalaga ang mental preparation paÂra makuha ang panalo at kiÂlalaning kampeon sa liga.
“May adjustment kami ng konti. Pero ang mahaÂlaga rito ay ang mental preÂparation. Sa ganitong rubÂbermatch, kung sino ang mas gustong manalo iyon ang kukuha nito,†dagdag ni Jarencio.
“I agree with coach PiÂdo. Who ever can perform better and play with mental toughness will win,†segunÂda ni Sauler.
Wala namang mga inÂjuÂries ang magkabilang koÂponan pero may dagdag puÂwersa ang Archers sa pagÂlalaro ni Matt Salem na lumiban sa dalawang naÂunang laro dahil sa injury.
“We know that he can shoot the threes and he can help spread the defense,†banggit pa ni Sauler.
- Latest