^

PSN Palaro

PSC nagyabang sa pondo para sa SEAG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi magiging proble­ma ang gastusin sa pagpa­padala ng pambansang ko­ponan para sa Southeast Asian Games sa Myanmar.

Bukod sa P30 milyon na inilaan ng PSC para sa taong ito, puwede ring ku­­mu­ha ang ahensya sa pe­­rang nasa bangko na na­sa mahigit P300 milyon.

Nilinaw ni PSC chairman Ricardo Garcia na ang savings na ito ay mga ‘ob­ligated budgets’ na hindi nai­bigay sa mga NSAs da­hil sa mga unliquidated ex­penses.

Kasama sa puwedeng ga­mitan ng pera ng PSC ay ang gastusin sa pagpa­padala ng koponan sa ma­lalaking torneo katulad ng SEA Games sa Disyembre bukod pa sa renovations sa mga pasilidad.

Kasabay nito ay iniha­yag ni Garcia ang pagkaka­roon ng PSC ng P214 mil­yong pondo galing sa Ge­neral Appropriations Act (GAA).

Ang halagang ito ay mas mataas kumpara sa P207 milyon na natanggap ng ahensya sa taong ito.

Ang pera sa GAA ay gi­nagamit sa pang araw-araw na operasyon ng PSC.

Bukod sa GAA, ang PSC ay mayroon ding pondo na nakalagak bilang National Sports Development Fund (NSDF) na galing sa kontribusyon ng PAGCOR.

APPROPRIATIONS ACT

BUKOD

DISYEMBRE

GARCIA

KASABAY

NATIONAL SPORTS DEVELOPMENT FUND

RICARDO GARCIA

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with