Blue Thunder kinuha ang Game 1 sa UCAA Finals
Laro Bukas
(RTU Gym in Mandaluyong)
10 a.m. PSBA vs La Salle-Dasma (third place)
11:30 a.m. RTU vs Olivarez College (Game 2)
MANILA, Philippines - Isinalpak ni Helino Francisco ang winning basket sa pagtunog ng final buzzer para igiya ang Rizal TechnoloÂgical University Blue Thunder sa 63-61 overtime win laÂban sa nagdedepensang Olivarez College sa Game One ng 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball championship series sa OliÂvarez College gymnasium sa Sucat, Parañaque.
Nilusutan ng 6-foot-1 na si Francisco ang depensa ng Sea Lions para ibigay sa Blue Thunder ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three finals series.
Nauna nang pumaltos ang mga tira nina Jopet Quiro at Simon Basilio para sa RTU kasunod ang winning basÂket ni Francisco.
Nagtala si Quiro ng 17 points para pamunuan ang Blue Thunder kasunod ang 16 ni Francisco.
Pipilitin ng Blue Thunder na walisin ang Sea Lions sa Game Two bukas sa RTU gymnasium sa Mandaluyong.
Binanderahan ni Baser Sackor ang Olivarez mula sa kanyang 12 points, habang may tig-8 sina Jay Alquisalas at Mark Guillen.
- Latest