Dominasyon ng Cagayan ididiretso sa Final 4
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
3 p.m. Cagayan vs Air Force
5 p.m. Smart-Maynilad vs Army
MANILA, Philippines - Ipagpatuloy ang dominasyon ang pilit na gagawin ng walang talong Cagayan Province sa pagbubukas ng Final Four ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.
May 12-0 baraha, kakaÂlabanin ng Lady Rising Suns ang Philippine Air Force sa unang laro sa gaÂnap na alas-3 ng hapon at paborito silang manalo paÂra hawakan ang 1-0 kaÂlamangan sa kanilang best-of-three series.
Parehong sa 3-1 iskor nangibabaw ang bataan ni coach Nestor Pamilar at may kumpiyansa ang menÂtor na may ilalabas pa ang Cagayan sa Final Four.
“Mataas ang morale ng team dahil hindi pa natataÂlo. Pero hindi puwedeng magÂkumpiyansa dahil ibang laro na itong semifinals. Kahit hindi maganda ang record ng Air Force, ang magkaroon ng pagkakataon sa Finals ay tiyak na hindi nila pakakawalan,†wika ni Pamilar.
Tinapos ng Cagayan ang asignatura sa quarterfiÂnals gamit ang 3-2 panalo kontra sa Philippine Army at ibabandera ng koponan siÂna Thai imports KanniÂka Thipachot at Phomia SoÂraya bukod pa kina Aiza Maizo, Angeli Tabaquero at Wenneth Eulalio.
Kung ang unang laro ay piÂnaniniwalaan na mauuwi sa madaling panalo, tiyak naÂman na mahigpitan ang laÂbanan ang matutunghaÂyan sa pagitan ng Army at Smart-Maynilad sa ikalaÂwang laro sa alas-5 ng haÂpon.
Naghati sa 1-1 baraha ang Lady Troopers at Net Spikers sa dalawang pagÂkikita pero nagdagdag ng puÂwersa ang huli para guÂmanda ang tsansa na maÂkapasok sa Finals.
Si Wanida Kotruang ay kinuha ng Smart para maÂkatuwang ng kababaÂyang si Thai import Kesinee Lithawat at Alyssa Valdez.
Pangatlong laro ito ni KoÂtruang at nakita ang siÂpag nito nang manalo ang Smart sa Army at Meralco.
“Semifinals ito at anything can happen,†pahaÂyag ni Smart mentor Roger GoÂrayeb.
- Latest