^

PSN Palaro

Cotto pinatulog si Rodriguez sa third round

Pilipino Star Ngayon

ORLANDO, Fla. -- Hindi pa tapos ang boxing career ni world three-division champion Miguel Cotto ng Puerto Rico.

Nagmula sa dalawang sunod na kabiguan noong nakarang taon laban kina Floyd Mayweather Jr. at Austin Trout, umiskor ng ma­laking panalo si Cotto pa­ra sa kanyang pagbabalik sa aksyon.

Pinatumba ni Cotto si Del­vin Rodriguez ng Domi­nican Republic sa 2:42 ng third round sa kanilang non-title, junior middleweight fight sa Amway Center, ang arena ng NBA team na Orlando Magic.

Ang 32-anyos na si Cotto, sinanay ni trainer Fred­die Roach, ay pinano­od ng kabuuang 11,912, bo­xing fans, tampok dito ang isang malaking Puerto Rican contingent .

Sa opening round pa la­mang ay pinuntirya na ni Cotto (38-4, 31 KOs) ang bodega ng 33-anyos na si Rodriguez (28-7-3, 16 KOs).

At pagdating sa third round ay isang left hook ang nagpabagsak kay Rod­riguez kasunod ang mga ra­pido ng Puerto Rican.

“I felt the power go right through my arm. I hit him flush,” sabi ni Cotto sa naturang pagpapatumba niya kay Rodriguez.

AMWAY CENTER

AUSTIN TROUT

COTTO

FLOYD MAYWEATHER JR.

MIGUEL COTTO

ORLANDO MAGIC

PUERTO RICAN

PUERTO RICO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with