^

PSN Palaro

2014 Le Tour itinakda sa Abril 21-24

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinakda ang ikaapat na edisyon ng Le Tour de Filipinas sa Abril 21-24 sa susunod na taon.

Inaprubahan ng International Cycling Union (UCI), ang world governing body ng cycling, ang petsa na isi­­numite ng race organizer na Dynamic Outsource So­lu­tions, Inc. (DOS-1) sa isang pulong sa Florence, Italy no­­ong Setyembre.

Sinabi ni DOS-1 president Gary Cayton na ikinukun­sidera nila ang isang ‘southern swing’ para sa 2014 Le Tour de Filipinas.

Tinawag na ‘Northern Alps, ang nasabing ruta ay isang 132.7-km rollercoaster ride mula sa Bayombong sa Nueva Viscaya haggang Cayapa Road sa Cordilleras.

Ito pa rin ang prayoridad na dadaanan ng mga siklista pa­ra sa susunod na Le Tour.

Pinagharian ni Baler Ravina ang 2012 edition na ba­sagin ang dominasyon ng mga veteran foreign riders sa na­sabing four-stage race na sinusuportahan ni cycling ‘godfather’ Bert Lina ng Air21.

Si Irish David McCann, kumarera sa London 2012 Olympics, ang naghari sa unang edisyon noong 2010.

Ang koponan naman ng Iran ang nagkampeon noong 2011 tampok ang paghirang kay Rahim Emami bilang general classification winner.

Matapos ang paghahari ni Ravina noong 2012, ti­niyak ng Iranians na sila ang magkakampeon noong 2012 sa likod ni Asian No. 1 at Olympic at world cham­pion­ships veteran Ghader Mizbani.

ASIAN NO

BALER RAVINA

BERT LINA

CAYAPA ROAD

DYNAMIC OUTSOURCE SO

FILIPINAS

GARY CAYTON

LE TOUR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with