^

PSN Palaro

Desuyo, Agura wagi sa Run United

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuha nina Rene Desuyo at Janette Agura ang mga titulong hindi idinepensa nina Irineo Raquin at Christabel Martes nang pa­ngunahan ang mga locals sa idinaos na 2nd Run United Philippine Marathon kahapon sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Tinabunan ng 29-anyos tubong Bago City, Negros Occidental na si Desuyo ang winning time ni Raquin noong nakaraang ta­on na 2:42:22 sa kanyang 2:33:49.56 para iwa­nan sina Elkin John Quinto (2:44:25.36) at Mario Mag­linao (2:48:53.85).

Sa tindi ng takbo ni Desuyo, siya ang lumabas bilang ikalawang pinakama­tuling runner sa kalalakihan kasunod ng Kenyan na si Jackson Chirchir na nagdo­mina sa foreign division sa 2:27:42.37 oras.

Nangailangan ng mala­kas na pagtatapos ang 35-anyos na si Agura para maisantabi ang hamon ni Jocelyn Elijeran sa local female category sa karerang inorganisa ng Unilab Active Health sa pangunguna ni Alex Panlilio.

May 3:35:35.90 oras si Agura laban sa 3:36:11.24 ni Elijeran, habang pu­mangatlo si Gella Mayang sa 3:53:46.94 oras.

Winalis ng Ken­ya ang ti­tulo sa foreign divisions nang manalo si Susan Jemutai sa 3:24:22.44 oras.

Sina Douglas Mwitti (2:34:21.35) at Philip Rono (2Z:48:30.98) ang puma­ngalawa at pumangatlo sa kalalakihan.

vuukle comment

ALEX PANLILIO

BAGO CITY

CHRISTABEL MARTES

DESUYO

ELKIN JOHN QUINTO

GELLA MAYANG

IRINEO RAQUIN

JACKSON CHIRCHIR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with