^

PSN Palaro

Harper darating bukas sa Manila para sa NBA Global Games

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang dumating sa bansa si da­ting Chicago Bulls at Los Angeles Lakers Ron Har­per sa Oktubre 5  para pangunahan ang NBA Fan Fiesta, NBA Cares.

Lalong masisiyahan ang mga Pinoy bas­ketball fans sa pagbisita ni Harper bukod pa sa pagdaraos ng NBA Global Games Phi­lippines 2013 sa pagitan ng Houston Rockets at ng Indiana Pacers sa Mall of Asia Arena sa Oktubre 10, 2013.

Maliban sa mga NBA teams, ang kanilang mga dance teams at team mascots, ang trio nina NBA Legends Clyde Drexler, Robert Horry at Jalen Rose ay dadalaw din sa Manila para sa NBA fever.

Ito ang unang pagkakataon na pupunta si Harper sa Manila kung saan siya makakasama sa mga NBA festivities at pagpapalaganap ng NBA basketball goodwill sa mga Filipino fans.

Bukod sa Bulls, nag­la­ro din si Harper  para sa Lakers mula 1999 hang­gang 2001.

Kasama siya sa Lakers nang angkinin ang 2001 NBA ti­tle para sa ka­­buuan niyang limang NBA championship.

Isa siya sa apat na pla­yers sa NBA history na nakakuha ng multi­ple NBA titles sa da­lawang magkaibang NBA franchises.

 

CHICAGO BULLS

FAN FIESTA

GLOBAL GAMES PHI

HOUSTON ROCKETS

INDIANA PACERS

JALEN ROSE

LOS ANGELES LAKERS RON HAR

MALL OF ASIA ARENA

NBA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with