POC/PSC pipili ng atleta na gagastusan sa training
MANILA, Philippines - Pipili ang POC at PSC ng 40 hanggang 50 atleta na bibigyan nila ng masinsinang pagsasanay para sa Myanmar SEA Games.
Manggagaling ang mga atleta sa mga naaprubaÂhang listahan na nirerebisa ngayon ng Task Force at sila ay ititira sa Philsports Complex sa Pasig City.
Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, ito ay matagal ng plano ni POC president Jose Cojuangco Jr. at ang resulta ng prograÂmang ito ay kanilang pag-aaralan para mas mapaganda pa at mas maging epektibo para sa Asian GaÂmes sa Incheon, Korea sa susunod na taon.
Kasama sa iimplementa sa mga mapipiling atleta ay ang paggamit ng sports science para mas maÂging scientific ang kanilang pagsasanay.
Balak ng Pilipinas na magpadala ng hindi hihiÂgit sa 300 atleta para magtangka na higitan ang 36 ginto, 56 pilak at 77 bronze medals sa 2011 SEAG sa Palembang, Indonesia.
Nalagay ang Pambansang koponan sa ikaanim na puwesto sa standings ngunit malaki ang posibilidad na bumaba pa ang puwesto ng ipadadalang koponan dahil sa inaasahang pag-angat ng host Myanmar.
Sa tantiya ng mga sports leaders, ang Pilipinas ay kayang manalo mula 30 hanggang 40 ginto na sasapat lamang para malagay sa ikaanim o pitong puwesto.
- Latest