Japanese gymnastic coach tutulong sa GAP
MANILA, Philippines - Inaasahang magkakaÂroon ng tamang pundasÂyon ang mga batang gymÂnastics na naglalaro sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG) sa pagdaÂting ng isang Japanese coach para tumulong sa GymnasÂtics Association of the Philippines (GAP).
Ang 28-anyos na si Munehiro Kugumiya ay ipinakilala kahapon sa mga mamamahayag at inaasahang mamamalagi sa bansa sa loob ng isang taon para turuan ang mga batang mag-gymnasts.
Sa plano ni GAP president Cynthia Carrion, ang mga batang nadiskubre sa Batang Pinoy at Palarong Pambansa ang siyang haÂhawakan ni Kugumiya at siya ang katapat ni RomaÂnian coach Luminitan Eftimiu na siyang nagtuturo sa mga batang pasok sa Women’s Artistic Gymnastics (WAG).
Si Kugumiya ay nagturo ng apat na taon sa Juntendo University na isang pribadong unibersidad sa Japan.
Napunta siya sa Pilipinas matapos piliin ng Zippy Action Foundation sa pamumuno ni Ryo Shirai.
Ang Phlippine Good Works Foundation, na may basbas mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tumutulong din sa mga gastusin habang ang PhiÂlippine Sports Commission (PSC) ang siyang magbibigay ng libreng tirahan sa Japanese coach sa Philsports sa Pasig City.
Nais ng GAP na makita ang resulta ng pagsasanay sa gagawing pagsali sa mga malalaking torneo sa labas ng bansa upang magkaroon ng pagkakataon na makasali ang bansa sa 2014 Youth Olympic Games gymnastics sa Nanjing, China.
- Latest