Smart PTL tourney muling magbabalik
MANILA, Philippines - Muling magpapatuloy ang mga aksyon sa 2013 SMART Philippine TaekÂwondo League sa limang SM malls tampok ang mga batang atleta.
Idaraos sa SM Manila ang dalawang events sa Oktubre 5 at sa Oktubre 13, habang sa SM Sucat gagawin ang labanan sa Oktubre 6, sa SM Valenzuela sa Oktubre 12 at sa SM Bicutan sa Oktubre 13.
Hahawakan ng SM FairÂview ang torneo sa Oktubre 29 na suportado ng MVP Sports Foundation, SMART Communications Inc., PLDT, TV5, Meralco, Philippine PSC at POC.
Inaasahan nina tournament commissioner Monsour del Rosario at tournament director Stephen Fernandez ang mga maaksyong labanan sa event.
Tiniyak ng officiating sysÂtem na PSS (Protective ScoÂring System) at ang ESS (Electronic Scoring System) katuwang ang IVR Instant Video Replay na magiging patas ang pagbibigay ng iskor.
Nagdesisyon sina Del Rosario at Fernandez na isama ang isang Tag round na ginamit ng World TaÂekÂwondo Federation.
Sa nasabing setup, ang isang koponang may maximum 10 players ay maaaring gumawa ng unliÂmited substitution sa isang 5-minute round at ang tropang magtatala ng pinakamataas na iskor ang mananalo sa laban.
- Latest