SBP makikiusap sa PBA na mahiram ang mga rookie draftees para sa national team sa SEAG
MANILA, Philippines - Hihilingin ng SamaÂhang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Philippine Basketball Assoicaiton (PBA) na payagan ang mga mahuhugot na rookie draftees na hihiramin nila para sa national team na magdedepensa ng korona sa 27th Southeast Games sa Myanmar.
“Ang plano namin ay makiusap sa PBA kung puwede `yung mga rookie draftees ay mai-pahiram sa SEA Games kung puwede,†wika kahapon ni SBP executive director Sonny Barrios sa PSA sports forum sa Shakey’s Malate, Manila.
Kabilang sa mga inimbitahan ng SBP para sa pagbuo ng national team ay sina PBA draftees Raymund Almazan ng Letran, Fil-Am guard Chris Banchero at two-time UAAP MVP Bobby Ray Parks ng NU.
Kabuuang 19 players ang inimbita ng SBP para sa national squad na isasabak sa Myanmar SEA Games sa Disyembre 11-22.
Naniniwala si Barrios na makakapili si head coach Jong Uichico ng Final 12 mula sa naturang training pool na kinabibilangan nina Kiefer Ravena at rookie Chris Newsome ng Ateneo, 2013 UAAP MVP Terrence Romeo at Mark Belo ng FEU, Roy Sumang ng UE, Arnold Van Opstal ng La Salle, Prince Caperal ng Arellano, Kevin Ferrer ng UST at Jericho Cruz ng Adamson.
Bukod kay 6-foot-11 naturalized player Marcus Douthit, inaasahang makakasama sa national team sina Gilas cadet pool members Jake Pascual, Ronald Pascual, Garbo Lanete, Kevin Louie Alas, RR Garcia at Matt Granuelas.
- Latest