Scorpions kampeon sa NAASCU
MANILA, Philippines - Nakumpleto ng Centro Escolar University ang paggawa ng kasaysayan sa 13th National Athletic AsÂsociation of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) matapos taÂlunin ang St. Clare College of Caloocan, 64-58, sa rubbermatch kahapon sa Makati Coliseum.
Hindi pinahintulutan ng Scorpions na makatikim ng kalamangan ang Saints sa kabuuan ng laro at kahit nakapanakot ang dating kampeon sa huling 46 minuto ay naroroon ang tikas ng tropa ni coach Edgar Macaraya para makuha ang kauna-unahang men’s title sapul nang sumali sa liga noong 2003.
“Ito na ang ikatlong title ko sa NAASCU at ang unang dalawa ay sa San SeÂbastian Dasmariñas pero mas matamis ito dahil first time ito sa CEU,†wika ni MaÂcaraya.
Ang 23-anyos na si Joseph Sedurifa ay gumawa ng 14 puntos habang si Aaron Jeruta ay may 13, tampok ang dalawang free throws sa huling 13.9 segundo na nagbigay ng anim na abante sa CEU.
Pinakamalaking kalamangan ng CEU ay sa 11 puntos pero nagawang bumangon ang St. Clare at naitabla pa ang laro sa 43-all sa tatlong free throws ni Elmer Managuelod.
Pero kumana ng tres si Sedurifa para katampukan ang 6-2 palitan at umabante sa 50-44 ang CEU sa pagtatapos ng ikatlong yugto.
Ang panalo ng CEU sa seniors ang kumumpleto sa pagwalis ng paaralan sa tatlong dibisyon dahil ang kanilang teams sa juniors at women’s ang siya ring nagdomina sa kanilang mga dibisyon.
Si NAASCU chairman Dr. Ernesto Jay Adalem ng St. Clare ang naggawad ng mga tropeo sa mga nanalo.
- Latest