^

PSN Palaro

Paras isinalba ang Phl, slam dunk king sa FIBA World 3x3

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigyan ni Kobe Paras ng magandang pakonsuwelo ang bigong paglahok ng Pilipinas sa FIBA 3x3 Under-18 World Championship nang kunin ang titulo sa slam dunk.

Nilipad ng 6’3 na si Kobe, na anak ni dating two-time PBA MVP Benjie Paras, ang kakamping si Thirdy Ravena na nakaupo sa motorsiklo tungo sa malakas na dunk para makuha ang pagsang-ayon ng mga hurado sa championship round.

Ang slam dunk ay side event ng 3x3 World Championship na ginawa sa Mer­deka Square sa Kuala Lumpur, Malaysia at ang Pilipinas ay nasibak agad matapos magtala lamang ng tatlong panalo sa pitong laro.

Kasama rin sina Arvin Tolentino ng San Beda at Prince Rivero ng La Salle, ang Pilipinas ay nanalo sa Chinese Taipei, Guatemala at Andorra pero natalo sa China, Bulgaria, Czech Republic at USA.

Bahagyang naibsan din ang sakit ng pagkatalo ng Pilipinas sa US dahil isa sa nakalaban ni Paras ay si Demonte Flannigan ng US. Si Antonio Morales ng Spain ang isa pang manlalaro na umabante sa Finals.

Parehong mas matangkad ang mga katunggali ni Paras at si 6’7 Morales ang nanalo ng pilak habang si 6’5 Flannigan at Sung Min Hui ng China ang nabigyan ng bronze medals.

Nakitaan agad ng galing ang 15-anyos at mag-aaral ng La Salle Greenhills na si Paras sa elimination round at nakakuha siya ng perfect score sa semifinals sa gina­wang between-the-legs slam. Lalo niyang pinalalim ang ipinakita sa Finals para ilampaso ang mga kalaban at selyuhan ang korona.

vuukle comment

ARVIN TOLENTINO

BENJIE PARAS

CHINESE TAIPEI

CZECH REPUBLIC

DEMONTE FLANNIGAN

KOBE PARAS

KUALA LUMPUR

PILIPINAS

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with