^

PSN Palaro

SEAG deadline pinaaga sa Oct. 10

AC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalong nagulo ang mga Philippine sports officials matapos paagahin ng Myanmar ang petsa ng pagsusumite ng pinal na listahan ng mga delegasyon para sa 27th Southeast Asian Games.

Ang deadline ay sa Nobyembre pa unang itinakda, ngunit sinabi ni Jeff Tamayo, ang Filipino chef-de-mission, na pinaaga ng mga organizers ang pagsusumite ng mga lahok sa Oktubre 10.

Sinabi ng second vice president ng Philippine Olympic Committee na may mga Filipino athletes pang gustong sumama sa delegasyon.

Ilang Filipino athletes ang nakatakda pang sumabak sa mga  international events hanggang Nobyembre para mapatunayan na karapat-dapat silang ipadala ng POC sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.

 Ang bagong deadline ang magpupuwersa sa POC at sa mga NSAs (National Sports Associations) na isara ang pintuan para sa mga atletang gusto pang makasama sa delegasyon.

DISYEMBRE

ILANG FILIPINO

JEFF TAMAYO

LALONG

MYANMAR

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NOBYEMBRE

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with