Bedans lalapit sa twice-to-beat
MANILA, Philippines - Lalapit pa ang San BeÂda sa hangaring twice-to-beat advantage habang magpapatatag naman ang Perpetual Help sa paghahabol sa unang dalawang puwesto sa pagpapatuloy ngayon ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Ikaanim na sunod na panalo tungo sa paghablot ng 13-2 baraha ang nais gawin ng Red Lions sa pagharap sa San Sebastian na ang laro ay magsisimula matapos ang pagkikita ng Altas at Lyceum sa ganap na alas-4 ng hapon.
Huling nanaig ang tropa ni coach Boyet Fernandez sa Perpetual sa 78-76 overtime upang lumapit sa tatlong panalo para maselÂyuhan ang unang twice-to-beat advantage.
Kailangang manatili ang tikas ng mga local players dahil nakikitaan ang Stags ng magandang teamwork na siyang dahilan kung bakit naipanalo nila ang huling apat na laro at makabangon na mula sa 4-5 baraha.
Kapag makasilat ang Stags, lalayo sila ng dalawang laro sa pumapangÂlima na Emilio Aguinaldo College.
Sa 4-10 baraha, dapat na walisin ng tropa ni coach Bonnie Tan ang nalalabing apat na laro at umasa na ang San Sebastian o iba pang palaban sa Final Four ay hindi lumampas ng walong panalo para magka-playoff.
Pero kung manalo ang Stags, tuluyan na ring mamamaalam ang Pirates katulad ng nangungulelat na Mapua.
- Latest