^

PSN Palaro

Balabal bahag ang isusuot sa parada sa Myanmar SEAG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakabahag na flag bea­rer?

Ito ang ideya ni Southeast Asian Games Chief of Mission Jeff Tamayo at ang wrestler na tubong Cordillera na si Jason Balabal ang siya niyang totokahan sa puwesto.

Sa lingguhang Usapang POC-PSC sa Sports Radio kahapon, binanggit ni Tamayo na si Balabal ay isang 2011 SEA Games gold medalist sa Greco Roman at hindi ikinahihiya ang kanyang pinanggalingan.

“He’s a fighter and he’s proud of his indigenous culture,” wika ni Tamayo na siya ring nagtutulak sa indigenous games bilang opisyal ng POC.

Sa 84-kilogram magdedepensa ng titulo ang 25-anyos na si Balabal na sa ngayon ay nasa Iran para sa masinsinang pagsa­sanay.

Ipinakita na ni Balabal kung gaano siya kakisig habang nakabahag sa kanyang profile picture sa Facebook.

“He will wear his Bahag, while the rest of our athletes will be in their track suits,” ani pa ni Tamayo.

Ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon na ganito ang suot ng flag bearer ng delegasyon at inaasahang aani  ito ng aten­syon sa opening ceremony ng kompetisyon.

 

BAHAG

BALABAL

FACEBOOK

GRECO ROMAN

JASON BALABAL

SOUTHEAST ASIAN GAMES CHIEF OF MISSION JEFF TAMAYO

SPORTS RADIO

TAMAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with