Titulo abot-kamay na ng St. Clare
MANILA, Philippines - Naipasok ni Elmer MaÂnaguelod ang isang free throw bago sinadyang isabÂlay ang pangalawa para ibiÂgay sa nagdedepensang kampeong St. Clare ang 70-68 panalo sa Centro Escolar University sa Game One ng NAASCU men’s basketball finals kahapon sa Makati Coliseum.
Dalawang segundo na lamang ang nasa orasan at lamang ng isa ang Saints nang nalagay sa 15-foot line si Managuelod para ibigay sa nagdedepensang kampeon ang 1-0 kalamangan sa maigsing best-of-three series.
Tumapos si Managuelod taglay ang 14 puntos habang si Jayson Ibay ay mayroong 22. Naghatid pa ng 13 si Marc Robin Dulalia habang may double-double na 12 assists at 10 puntos si Marte Gil bukod sa limang rebounds para sa Saints na nagpakalbo para ipakita ang masidhing deterninasyon na mapanatili ang titulong napanalunan noong nakaraang taon.
“Nakaisa kami pero hindi pa tapos ang series. We will go all-out and try to win the crown this Friday,†wika ni St. Clare coach Jinno Manansala na nais na ihanay ang koponan sa University of Manila at San Sebastian-Cavite na naka-back-to-back sa liga.
Ito naman ang unang pagkatalo sa season ng Scorpions matapos ang 12 laro at masakit ito dahil kailangan nila ngayon na talunin ng dalawang sunod ang Saints para makuha ang kampeonato.
Hindi natapatan ng Scorpions ang tikas sa endgame ng nagdedepenÂsang kampeon para maisuko ang laro.
Bago ito ay nagdaos muna ng aksyon sa championship round sa women’s at juniors division at nanalo ang CEU sa Rizal Technological University, 77-36, sa kababaihan habang ang Fatima Baby Phoenix ay nakapanggulat sa Baby Scorpions, 67-60, sa juniors division.
- Latest